Monday, 29 June 2015

Five E's To Succeed in Your Job and Business

May business ka na ba? Or gusto mo magsimula ng business? Or gusto mong maging mas magaling sa iyong chosen field? Kung nagsisimula ka pa lang, you should read this. Pwede mo itong gawing way para mas maging successful sa business mo, maging mas productive sa current job mo and para maging mas magaling na entrepreneur. Ito ang natutunan ko sa aming mentor na si Bro Obet Cabrillas

Ito ay ang 5 E's na kailangan mong i-apply para maging successful sa iyong career and business.

  1. Experience - may kasabihan "Experience is the best teacher", but let me re-phrase it to you. "Reflected experience is the best teacher". You have to reflect in you experience kahit na ito ay maganda or hindi. You need to ask yourself, what would I do better next time? Dahil kahit na ginawa mo na ang best mo ngayon, dapat mas maging best pa ito next time. Improve what you've already experienced and reflect from it. Dahil dito mo mas makikita ang progress mo. You have to learn from experience, share your experience and grow from your experience.

  2. Experts - you need to talk to experts para maging successful sa business or sa kahit anong field na gusto mo. Many business failed because of pride. So ask for guidance and advice sa mga tao na successful and sa mga tao na expert sa field na katulad ng sa'yo. Surround yourself by experts and also positive people na ready kang i-guide at ituro mga alam nila na makakatulong sa'yo.
  3. Expertise - after talking to experts, you need to gain expertise from the them. Kailangan mo rin matutunan yung mga itinuturo nila. Gain knowledge and skill sa itinuturo nila at gawin mo rin itong expertise mo.
  4. Execute - You need to take action kung gusto mo mag-succeed sa business mo. You have to do it and learn it. Start small and correct it all the way. Kailangan lagi kang gumawa ng action dahil dreams without action is only a WISHFUL THINKING. Ibig sabihin, gusto mo lang, pero you don't want to do what it takes para makuha ang dreams mo. Dream and make it happen.

  5. Excellence - You need to excel sa field mo, at para magawa mo iyon, kailangan mo ng strong FOUNDATION. At ang pinaka magandang foundation is your CHARACTER. Dahil kung may knowledge and skill ka na, at wala kang magandang character, you will fall easily dahil mahina ang foundation mo. Dahil character is building your trust and relationship to your customers or people. You have to gain excellence in your character first because business and career is all about good relationship.
I hope na may natutunan ka sa blog post na ito. I believe na business is not just earning money, it is the process of developing yourself. Dahil ang pinakamagandang investment ng isang entrepreneur is learning.

I hope this post serves you. Thank you for reading and if this post blessed you, kindly share it and like me at facebook. http://www.fb.com/awesomejunborgonos

PS: Gusto mo ba ma-acheive ang time freedom while you're making money online? Watch the video here. Make sure na tatapusin mo ha. And email me @ rodolfoborgonos@gmail.com if may question ka. I'm happy to serve you. :)


Your friend,
Jun Borgoños

Thursday, 25 June 2015

Simpleng MAGIC Guide to Achieve your Dreams


Reading the book of Bro. Bo Sanchez makes me motivated. One of my favorite is the book "How to Conquer your Goliath". Ang book na yon ay naglalaman ng mga practical guides para malampasan mo ang mga challenge sa dreams mo. Sa book din na ito ine-explain kung paano tinalo ni David si Goliath. Let me summarize the story for you.


May nangyaring arrangement sa laban ng Philistine at Israel. Ang panglaban ng Philistine ay si Goliath, isang nakakatakot na mala-Godzilla na creature. Walang kahit na sino ang gustong kumalaban sa kanya. Ang challenge ng mga tiga Philistine ay isang one-on-one duel laban kay Goliath. Kapag si Goliath ang nanalo, ang mga tiga Israel ay magiging slave ng Philistine, at kung matatalo naman si Goliath, magiging slave ng Israel ang Philistine. 

Araw araw sumisigaw at naghahamon si Goliath sa mga tiga Philistine. Si King Saul, hari ng Israel ay ng-announce ng reward na kung sino man ang makakatalo kay Goliath ay magiging mayaman, exempted sa tax for the entire life at ipapakasal niya sa kanyang anak na babae. Sobrang lupit ng reward di ba? Pero walang kahit sino ang gustong lumaban kay Goliath.

Kumalat sa buong bayan ang balita about sa reward ni King Saul, nalaman ito ni David. Si David ay isang tiga-pagpastol ng mga tupa. Pumunta sya kay King Saul at sinabi na willing siya na lumaban kay Goliath. Nagulat ang buong kaharian sa lakas ng loob ni David. Pero dahil wala nang gustong lumaban kay Goliath, itinuloy na rin ang laban sa pagitan ni David at Goliath.

Sa laban nila, pinagtawan lamang ni Goliath si David. Dahil hindi talaga patas ang laban nila, higante laban sa bata na payatot at mukang hindi marunong lumaban. Dahil determinadong manalo si David, kumuha siya ng bato, inilagay niya ito sa kanyang sling shot (tirador), pinaikot niya ito at itinira kay Goliath. Tinamaan si Goliath sa noo at unti-unti itong bumagsak sa lupa. Kumuha ng espada si David at pinutol ang ulo ni Goliath.

Sa duel na iyon, nanalo si David at nagtagumpay ang Israel.

Sa kwento ni David at Goliath, nagkaroon ng MAGIC kung paano tinalo ni David si Goliath. Ang magic na ito ay tinatawag na dream. Hindi lang basta dream, dahil nagkoroon ng goal si David para matalo si Goliath. Ano ang goal na yun? Ito ay ang mga rewards from King Saul. Inulit ulit niya sa isip niya ang reward na ito, then na-convert niya ang vision niya into ACTION and the result is SUCCESS.

Yes may clarity kasi si David sa GOAL niya kaya kahit mala-Godzilla ang laki ni Goliath ay natalo pa rin niya ito. Talking about MAGIC, isha-share ko sa iyo ang itinuro sa akin ni Bro. Bo about sa MAGIC. Not literally magic, ito ay ang tinatawag na DREAM BOOK

Ang DREAM BOOK ay ginagamit para isulat at i-build ang dreams in a very motivational way. Ginagamit ang MAGIC para maging guide na mas maging effective ang pag-achieve ng dream. Ito ang Magic guide to create your dream book.
 
 

Measurable - be clear sa goal or dream mo, dapat measurable ito or exact. For example don't just write na "Mabayaran ko ang mga utang ko". Dapat mong isulat ay "Mababayaran ko ang mga utang ko, dahil magtatrabaho ako ng mabuti, hindi na ako bibili ng mga bagay na hindi masyadong mahalaga para mabayaran ko lahat ng utang ko hanggang December 2015".

Ambitious - kailangan maging malaki ang pangarap mo, dahil small dreams won't excite you, Dapat DREAM BIG para mas ma-motivate ka na ma-achive ito. And be positive na magagawa mong ma-achieve ang dreams mo.

GodlyNever dream from greed or selfish ego because it will make you empty and miserable. Dapat may dreams ka makakatulong sa'yo, sa self development mo, to inspire others and to help others achieve their dreams too.

Imaginative - Put details in your dreams. Don't just write "Gusto kong magkaroon ng bahay". Dapat may details ang dreams mo for example "gusto kong magkaroon ng bahay sa Cavite, yung may 3 rooms, nice living room, dining room, with garden and guest room." Dapat may details ang dream natin para mas ma-motivate tayo at ma-excite lalo na ma-achieve ito.
CompleteHave dreams that touch the most important aspects of your life. Dapat may dream ka sa family, spiritually, financial health at etc.

Dahil sa MAGIC guide na ito, ma-kakapag identify ka ng mga dreams at ma momotivate ka lalo na ma-achive ito. Just read it everyday and pray for it. Maniwala ka na ma-aachive mo ito at maniwala ka sa sarili mo na kaya mo.

I hope this post serves you. Thank you for reading and if this post blessed you, kindly share it and like me at facebook. http://www.fb.com/awesomejunborgonos
 
 
PS: Gusto mo ba ma-acheive ang time freedom while you're making money online? Watch the video here. Make sure na tatapusin mo ha.


Your friend,
Jun Borgoños

Thursday, 18 June 2015

How Achieve Financial Freedom

Ang financial freedom is the ability to do everything ng hindi magiging concern ang pera. Maaari mo ma-achieve ang financial freedom kung magkakaroon ka ng tamang mindset at action para ma-achieve ito. Taking the right actions will help you become closer to your idea of financial freedom.

May mga paraan para ma-achieve ang financial freedom na gusto mo. Dito sa blog post na ito, i-sha-share ko sa inyo ang mga ways to slowly achieve financial freedom.

  1. Develop a long term plan - Kailangan mo na magkaroon ng clear goals para maging successful na makamit ang financial freedom. Pwede mo ilista sa journal, computer or planner ang list ng goals mo at ang target date kung kailan mo ito matatapos. For example, kailangan makabayad ng lahat ng utang until September 30, 2015. Kailangan specific ka sa goal mo at gumawa ng action para matupad ang goal na yon.
  2. Make a budget - gumawa ng budget plan para hindi magkulang ang pera. Dapat hatiin ang budget sa mga kapaki-pakinabang na gastusin. Mag set din ng budget para sa savings and business, and kung ikaw ay active sa mga charismatic community, dapat din na mag set ng budget para sa donation or tithe. Kung mababasa mo ang book ni Bro Bo. Sanchez na "The Abundance Formula", ini-explain dito kung paano mo gagawin ang budget mo and at the same time nakakapag-invest and nakakatulong ka sa community.
  3. Resolved to live debt-free - kung ikaw ay may debt or utang, kailangan din isama sa budget ang unti-unti na pagbabayad ng utang. Hanggat kaya pa na iwasan ang utang, iwasan natin ito. Pero pwede rin naman na magkaroon ng utang kung ito ay for emergency or gagamitin para sa business. I suggest na mag-maintain lamang ng isang credit card para hindi magconflict sa pagbabayad ng utang.
  4. Reduce your expenses - live simply and reduce your expenses. Kung hindi naman kailangan ang isang bagay, dapat huwag muna itong bilhin. Learn to recognize the difference between want and need. Yung kailangan muna ang unahin, hindi ang gusto mo lang na pagkagastusan.
  5. Invest your Money - isa ito sa pinaka sure na paraan to get financial freedom, pero matagal ito bago mo ma-experience. Invest mo ang pera sa mutual fund and stock market. Sa ganitong paraan lumalaki ang value ng pera na na-invest mo overtime. Mas effective na strategy ito kaysa sa bank savings. Mag-invest ka sa mga big companies na nagbibigay ng magandang benefits sa mga investors nila.
  6. Increase your income - dapat mayroon tayong maraming source of income. Pwede na rin naman ang income na nanggagaling sa trabaho bilang employee. Pero I suggest that you have at least two or more income source. Makatutulong din ito para ma-increase ang savings at magkaroon ng insurance once na mawala ang trabaho bilang employee. Marami din ways to increase your income. For example kung gusto mo ng selling or magaling ka makipag socialize, pwede ka sa Network Marketing. Kung may passion ka naman sa kahit anong bagay, pwede mo gawin ang passion mo to convert into income. Pwede mo rin i-try ang internet marketing na pwede ka kumita ng commission sa mga products na ibebenta mo. May dalawang klase ng income.
    • Active Income - Ito ay ang income na natatanggap natin based on salary sa employment. Ito ang income na putuloy na dumadating sa atin kapalit ng service o bagay na naibenta natin.
    • Passive Income - Ito ang income na nanggaling sa mga business na na-build na natin at tuloy-tuloy ang pagpasok ng kita nito kahit wala na tayong ginagawa sa business. In short, this is the automated money machine.

    Ito ang 6 ways to achieve financial freedom. Sa mga ways na nabasa mo dito, kailangan mo ng massive action para ma-achieve ito.

    Hangang sa susunod na blog post. I hope this post serves you. Kung na inspire ka sa post na ito, please do share my post. Thank you.

    PS: Gusto mo ba ma-acheive ang time freedom while you're making money online? Watch the video here. Make sure na tatapusin mo ha.


    Your friend,

    Jun Borgoños

    Monday, 15 June 2015

    The Purpose of Wealth (Introduction to Your Way to Financial Freedom)

    Ano ang purpose ng wealth? Ang wealth ay ang great quantity of money, resources, valuable processions, property etc. Talking about money, may mga nag-sasabi na money is bad, money is the root of evil, at kung ikaw ay good person, you have to stay poor.

    For me, dapat alisin natin sa isip ang poor mentality. Hindi masama ang pera kung ito ay gagamitin sa mabuti. Sabi nga ng mentor ko na si Bro. Bo Sanchez, "God does not call us to act in poverty, God calls us to act in generosity". Hindi kasalanan ang maging mayaman o magkaroon ng maraming pera, dahil maari mo itong gamitin to bless others. For example, many organizations needs financial help, "gusto mo ba maging beneficiary ng mga non-profit organizations or mas maganda kung gustuhin mo na maging sponsor o giver ng mga ito?

    The real purpose of wealth is to love. For example sa family, mas maganda kung may financial freedom tayo para mabili natin ang mga pangangailangan ng ating pamilya. May mga nagsasabi pa nga na "Hindi mo kasalanan kung pinanganak kang mahirap, kasalanan mo kapag namatay ka ng mahirap". 

    My friend, ito ang recommendation ko, gumawa tayo ng action para maging truly rich. Gumawa tayo ng paraan para i-build ang wealth natin sa maayos at legal na paraan. Because someday may mga tao na mangangailangan ng financial support mula sa atin. And we will be a superhero of abundance to them. Ang pagkakaroon ng wealth ay hindi makasariling pag-uugali, ito ay pag-respond sa calling sa atin para magkaroon ng act of generosity.

    Ang first step mo to achieve real wealth is to gain more money and to serve to others. Talking about finances, may 2 financial stages ang life.

    2 Financial Stages of Life

     

    1. People work for money - ito ang traditional na paraan para kumita ng pera. For example bilang isang employee, nagtatrabaho ang tao ng minimum of 8 hours a day to gain salary or sweldo. Ito rin ang paraan para matustusan ng sapat ang pangangailangan ng pamilya. Maaring pwede na ang pagiging employee to live daily. 
    2. Money work for people - dito na na-aachive ng isang tao ang financial freedom. Dito na pumapasok ang tinatawag na financial freedom kung saan ang pera na ang nag-tatrabaho para sa tao. Ngayon tinatanong mo sa sarili mo, paano nangyayari yon? Through investment, mutual fund, business and properties nagkakaroon ng passive income at isa sa pinaka-powerful na paraan para magkaroon ng passive income ay ang maging isang Entrepreneur

    Sa susunod na blog post ko i-sha-share ko sa inyo ang mga exact way para magkaroon ng financial freedom at ang mga step-by-step na paraan kung paano ito nag-wo-work. Lagi lamang natin tatandaan na "Being wealthy is not bad, because its ultimate purpose is to love".

    Hanggang sa susunod na blog post. I hope this post serves you. Kung na inspire ka sa post na ito, please do share my post. Thank you.

    PS: Gusto mo ba ma-achive ang time freedom while you're making money online? Watch the video here. Make sure na tatapusin mo ha.


     
    Your friend,

    Jun Borgoños

    Saturday, 13 June 2015

    3 C's to Convert Action to Success


    Hindi magiging madali ang pag-achieve ng success kung hindi natin sasamahan ng action. Pwede naman na gumagawa nga tayo ng action, pero parang feeling natin na kulang pa rin. Minsan feeling natin na walang nangyayari.

    The good news is may nangyayari talaga! Ang feeling na parang mahirap gawin ang steps para ma-achieve ang dream ay kasama sa progress na kailangan pagdaanan ng isang successful na tao.

    For example, si Walt Disney, ilang beses siya na-reject sa inaaplayan nya na trabaho dahil daw sa lack of creativity. Pero hindi siya nag-give-up until nakabuo siya ng image ng isang daga at tinawag nya ito na Mikey Mouse. Duon nagsimula ang ini-enjoy nating cartoons na ginawa ng Walt Disney Company.

    Another example ay si Sylvester Stallone, dream niya na maging isang actor pero hindi siya nakakapasa sa mga auditions. Kaya gumawa siya ng paraan para ma-pursue niya ang acting dream niya through writing movie scripts. Naging aggressive siya na ma-achive ang dreams niya. Ngayon si Sylvester Stallone ay isa na sa pinakamagaling na actor and director sa Hollywood ngayon.

    Ano ang similarities nila? Ang masasabi ko lang ay mayroon silang 3 C's para mag succeed. Confidence, commitment and consistency.

    1. Confidence - kapag gumagawa tayo ng action na alam nating tama, dapat ay may confidence tayo. Believe in your self first, so others will believe in you. Always think positive, alisin ang doubts at ang fears.
    2. Commitment - hindi mabilisan ang success, kapag mabilis mo nakuha ang success, magiging mababa ang value nito sa'yo. Success is by process. Hindi siya matatapos overnight. Kaya dapat committed tayo sa paggawa ng action. Dapat gawin ito ng paulit-ulit hangang makuha natin ang success.
    3. Consistency - kung consistent tayo sa paggawa ng action, wala nang makapipigil sa atin. Kapag na pa-practice mo ang consistency, it means, nag-eenjoy ka sa ginagawa mo. Then you inspire people, then people follow you as a role model.
    Sa una Awkward yan, then you acquire the knowledge ng paunti-unit at magiging automatic na siya na ma-convert sa success

    I hope this post serves you. Kung nagustuhan mo ang post na ito, kindly share it to your family or friends.

    PS: Gusto mo ba ma-achive ang time freedom while you're making money online. Watch this video. Make sure na tatapusin mo ha. Click here to watch the video.

    Your friend,

    Jun Borgoños

    Tuesday, 9 June 2015

    5 Steps para Makuha mo ang mga Dreams Mo


    Paano mo nga ba matutupad ang mga pangarap mo? Sabi nila, libre lang daw ang mangarap, kaya kahit gaanong kalaki pa ang pangarap ay pwede. Sa mga negative na tao naman, kapag may malaking pangarap ka, sasabihin nila na "kwentong lasing lang yan, hanggang pangarap nalang yan". 

    Ngayon think in a positive way, sasabihin ko sa iyo na ikaw ang mag-dedecide kung ang mga dreams mo ay magiging reality. You have the power to make it happen. Dito ko isha-share sa iyo ang 5 steps para maging reality ang mga life dreams mo.
    1. GOAL SETTING - kailangan mo ng goal setting para magkaroon ka ng foundation kung paano mo ma-aachieve ang dreams mo. Kailangan mo makita sa sarili mo ang end result na hinahanap mo. You need to see the big picture first. Napakahalaga ng goal setting, dahil dito mo mabubuo ang mga plano mo kung ano ang step-by-step na gagawin mo para mag-succeed at makuha ang mga goals mo. Imagine mo nalang na nag-tatarget shooting ka pero wala kang target, di ba ang hirap? Wala kang direction kung ano ang titirahin mo. Kaya dapat alam mo kung ano ang goal mo at most importantly dapat clear ka kung ano ba talaga ang goal, target at ang gusto mo mangyari sa field na pinili mo para ma-achieve mo ang mga dreams mo. 
    2. START NOW - hindi sa next month, hindi sa next week, hindi bukas, hindi mamaya dapat ngayon. At habang binabasa mo ang article na ito, siguro may mga ideas na pumapasok sa isip mo ngayon. Dapat start now, start planning now, start creating action now, start learning now. Ito ang pinakamahirap gawin sa lahat, ang magsimula. Dahil minsan natatakot tayo mag-fail. Don't be scared of failing, at walang nakakahiya sa pagkakaroon ng failure. "There's no shame in falling down. True shame is to not stand up again." Start now and achieve your dreams.
    3. NO SHORT-CUTS - ang pagiging successful is a long process. Walang naging successful na tao overnight. Lahat ay nasa process ng learning para mag-succeed. No short-cuts dapat tayo sa pag-achieve ng dreams natin. Dahil pag puro shortcuts ang hinanap natin, mawawala ang big part of our learning which is experience. Enjoy the journey, dahil pag ginawa mo ng tama ang dreams mo at hindi ka ng take ng shor-cuts, makukuha mo ang success na hinahanap mo. Consistency and commitment sa process ng dreams mo ang keys para mag-SUCCEED.
    4. FIND INSPIRATION - para makuha ang dreams mo, may mga times na parang walang nangyayari, parang wala kang nakikitang results at parang gusto mo nang mag quit. Don't quit my friend, kasama yan sa journey. Find inspirations para makabalik ka sa goal mo at ma-achieve ang dreams mo. Isipin mo lang palagi kung para saan, para kanino at bakit mo ba dapat makuha ang dreams mo. Find your emotional why at maghanap ka ng wisdom araw-araw. Don't stop learning and part of learning is on how you handle the disappointments. Basta push mo lang ang dreams mo, then expect great results.
    5. BE HAPPY - Ito ang pinaka mahalaga sa lahat, enjoy and be happy sa pag achieve ng dreams mo. Don't push it too hard, find your balance. Dapat maging masaya ka sa progress mo at sa magiging result ng dreams mo. Dapat lagi kang motivated and passionate about your dreams. If you do your task with love and passion expect a masterpiece. Kaya dapat i-enjoy mo ang ginagawa mo.

    I hope this steps inspires you. Kung na inspire ka sa post na ito, please do share my post. Thank you.

    PS: Gusto mo ba ma-achieve ang time freedom while you're making money online. Watch the video here. Make sure na tatapusin mo ha.

    Your friend,

    Jun Borgoños

    Paano ba Mag-Grow?

    Bakit kaya nagiging succesful ang isang tao? Ano kaya ang sikreto nila para ma-achive nila ang dream lifestyle nila?
    One day nag-tanong ako sa isang mentor kung paano siya naging successful sa career o sa business. Ngumiti lang siya at sinabi, "Hindi ako humihinto sa pag-aaral at ginagabayan ako ng mga mentor ko. Ang mga mentor ko ay ang mga tao na naging successful na at na-achive ang mga dreams nila. Dahil dun nagkaroon ako ng ideas at direction para matupad ko rin ang mga pangarap ko." Sobrang powerful ng sinabi nya na yon. Doon ko na-realize na sobrang REQUIRED ang CONTINUES LEARNING para mag-succeed at isa sa mga paraan para mapabilis ang pag succeed is to talk to the right person who already lived in success.


    Ang LEARNING na matutunan natin sa mga successful na tao ay magiging WISDOM once na ina-apply din natin ito sa sarili natin. Dito ko rin na-realize na SUCCESS WILL FOLLOW YOU kapag patuloy ka na nag-aral at ng-APPLY ng pinag-aralan mo. DON'T STOP LEARNING MY FRIEND! ASK FOR MORE WISDOM. Ito ang most powerful keys para maging successful sa career or business.
    Be happy and have passion in what you do. I hope this post serves you. Please do like or share my post if it blessed you.
    Your friend,
    Jun Borgoños

    Ano nga ba ang Success?

    Paano nga ba ma experience ang success? Imagine nagbigay ako sayo ng 1000 puzzle pieces tapos ng inutusan kita n isolve ang puzzle. Ano ang maiisip mo?


    Kung ako ang tatanungin, mahihirapan ako gawin ito lalo na kung walang GUIDE or hindi ko nakikita kung ano ba talaga ang binubuo ko. I believe na para mg succeed ka na mabuo ang puzzle problem, you have to see the BIG PICTURE. Kailangan mo muna ma VISUALIZE kung ano ba talaga ang binubuo mo. You need to ask DIRECTION and GUIDE.
    Ganun ang success, dapat clear ka muna sa GOAL mo and make sure you ask for GUIDE/DIRECTION para mapadali ang pagbuo mo ng puzzle or SUCCESS. At habang kinukuha mo ung GOAL mo, enjoy the LEARNING Process.
    Jun Borgonos