Thursday, 25 June 2015

Simpleng MAGIC Guide to Achieve your Dreams


Reading the book of Bro. Bo Sanchez makes me motivated. One of my favorite is the book "How to Conquer your Goliath". Ang book na yon ay naglalaman ng mga practical guides para malampasan mo ang mga challenge sa dreams mo. Sa book din na ito ine-explain kung paano tinalo ni David si Goliath. Let me summarize the story for you.


May nangyaring arrangement sa laban ng Philistine at Israel. Ang panglaban ng Philistine ay si Goliath, isang nakakatakot na mala-Godzilla na creature. Walang kahit na sino ang gustong kumalaban sa kanya. Ang challenge ng mga tiga Philistine ay isang one-on-one duel laban kay Goliath. Kapag si Goliath ang nanalo, ang mga tiga Israel ay magiging slave ng Philistine, at kung matatalo naman si Goliath, magiging slave ng Israel ang Philistine. 

Araw araw sumisigaw at naghahamon si Goliath sa mga tiga Philistine. Si King Saul, hari ng Israel ay ng-announce ng reward na kung sino man ang makakatalo kay Goliath ay magiging mayaman, exempted sa tax for the entire life at ipapakasal niya sa kanyang anak na babae. Sobrang lupit ng reward di ba? Pero walang kahit sino ang gustong lumaban kay Goliath.

Kumalat sa buong bayan ang balita about sa reward ni King Saul, nalaman ito ni David. Si David ay isang tiga-pagpastol ng mga tupa. Pumunta sya kay King Saul at sinabi na willing siya na lumaban kay Goliath. Nagulat ang buong kaharian sa lakas ng loob ni David. Pero dahil wala nang gustong lumaban kay Goliath, itinuloy na rin ang laban sa pagitan ni David at Goliath.

Sa laban nila, pinagtawan lamang ni Goliath si David. Dahil hindi talaga patas ang laban nila, higante laban sa bata na payatot at mukang hindi marunong lumaban. Dahil determinadong manalo si David, kumuha siya ng bato, inilagay niya ito sa kanyang sling shot (tirador), pinaikot niya ito at itinira kay Goliath. Tinamaan si Goliath sa noo at unti-unti itong bumagsak sa lupa. Kumuha ng espada si David at pinutol ang ulo ni Goliath.

Sa duel na iyon, nanalo si David at nagtagumpay ang Israel.

Sa kwento ni David at Goliath, nagkaroon ng MAGIC kung paano tinalo ni David si Goliath. Ang magic na ito ay tinatawag na dream. Hindi lang basta dream, dahil nagkoroon ng goal si David para matalo si Goliath. Ano ang goal na yun? Ito ay ang mga rewards from King Saul. Inulit ulit niya sa isip niya ang reward na ito, then na-convert niya ang vision niya into ACTION and the result is SUCCESS.

Yes may clarity kasi si David sa GOAL niya kaya kahit mala-Godzilla ang laki ni Goliath ay natalo pa rin niya ito. Talking about MAGIC, isha-share ko sa iyo ang itinuro sa akin ni Bro. Bo about sa MAGIC. Not literally magic, ito ay ang tinatawag na DREAM BOOK

Ang DREAM BOOK ay ginagamit para isulat at i-build ang dreams in a very motivational way. Ginagamit ang MAGIC para maging guide na mas maging effective ang pag-achieve ng dream. Ito ang Magic guide to create your dream book.
 
 

Measurable - be clear sa goal or dream mo, dapat measurable ito or exact. For example don't just write na "Mabayaran ko ang mga utang ko". Dapat mong isulat ay "Mababayaran ko ang mga utang ko, dahil magtatrabaho ako ng mabuti, hindi na ako bibili ng mga bagay na hindi masyadong mahalaga para mabayaran ko lahat ng utang ko hanggang December 2015".

Ambitious - kailangan maging malaki ang pangarap mo, dahil small dreams won't excite you, Dapat DREAM BIG para mas ma-motivate ka na ma-achive ito. And be positive na magagawa mong ma-achieve ang dreams mo.

GodlyNever dream from greed or selfish ego because it will make you empty and miserable. Dapat may dreams ka makakatulong sa'yo, sa self development mo, to inspire others and to help others achieve their dreams too.

Imaginative - Put details in your dreams. Don't just write "Gusto kong magkaroon ng bahay". Dapat may details ang dreams mo for example "gusto kong magkaroon ng bahay sa Cavite, yung may 3 rooms, nice living room, dining room, with garden and guest room." Dapat may details ang dream natin para mas ma-motivate tayo at ma-excite lalo na ma-achieve ito.
CompleteHave dreams that touch the most important aspects of your life. Dapat may dream ka sa family, spiritually, financial health at etc.

Dahil sa MAGIC guide na ito, ma-kakapag identify ka ng mga dreams at ma momotivate ka lalo na ma-achive ito. Just read it everyday and pray for it. Maniwala ka na ma-aachive mo ito at maniwala ka sa sarili mo na kaya mo.

I hope this post serves you. Thank you for reading and if this post blessed you, kindly share it and like me at facebook. http://www.fb.com/awesomejunborgonos
 
 
PS: Gusto mo ba ma-acheive ang time freedom while you're making money online? Watch the video here. Make sure na tatapusin mo ha.


Your friend,
Jun Borgoños

1 comment:

  1. MAGIC guide will help you to define your ultimate dreams.
    When we set our certain dreams, true MAGIC happens... we change our thoughts and our lives! :)

    ReplyDelete