Thursday, 18 June 2015

How Achieve Financial Freedom

Ang financial freedom is the ability to do everything ng hindi magiging concern ang pera. Maaari mo ma-achieve ang financial freedom kung magkakaroon ka ng tamang mindset at action para ma-achieve ito. Taking the right actions will help you become closer to your idea of financial freedom.

May mga paraan para ma-achieve ang financial freedom na gusto mo. Dito sa blog post na ito, i-sha-share ko sa inyo ang mga ways to slowly achieve financial freedom.

  1. Develop a long term plan - Kailangan mo na magkaroon ng clear goals para maging successful na makamit ang financial freedom. Pwede mo ilista sa journal, computer or planner ang list ng goals mo at ang target date kung kailan mo ito matatapos. For example, kailangan makabayad ng lahat ng utang until September 30, 2015. Kailangan specific ka sa goal mo at gumawa ng action para matupad ang goal na yon.
  2. Make a budget - gumawa ng budget plan para hindi magkulang ang pera. Dapat hatiin ang budget sa mga kapaki-pakinabang na gastusin. Mag set din ng budget para sa savings and business, and kung ikaw ay active sa mga charismatic community, dapat din na mag set ng budget para sa donation or tithe. Kung mababasa mo ang book ni Bro Bo. Sanchez na "The Abundance Formula", ini-explain dito kung paano mo gagawin ang budget mo and at the same time nakakapag-invest and nakakatulong ka sa community.
  3. Resolved to live debt-free - kung ikaw ay may debt or utang, kailangan din isama sa budget ang unti-unti na pagbabayad ng utang. Hanggat kaya pa na iwasan ang utang, iwasan natin ito. Pero pwede rin naman na magkaroon ng utang kung ito ay for emergency or gagamitin para sa business. I suggest na mag-maintain lamang ng isang credit card para hindi magconflict sa pagbabayad ng utang.
  4. Reduce your expenses - live simply and reduce your expenses. Kung hindi naman kailangan ang isang bagay, dapat huwag muna itong bilhin. Learn to recognize the difference between want and need. Yung kailangan muna ang unahin, hindi ang gusto mo lang na pagkagastusan.
  5. Invest your Money - isa ito sa pinaka sure na paraan to get financial freedom, pero matagal ito bago mo ma-experience. Invest mo ang pera sa mutual fund and stock market. Sa ganitong paraan lumalaki ang value ng pera na na-invest mo overtime. Mas effective na strategy ito kaysa sa bank savings. Mag-invest ka sa mga big companies na nagbibigay ng magandang benefits sa mga investors nila.
  6. Increase your income - dapat mayroon tayong maraming source of income. Pwede na rin naman ang income na nanggagaling sa trabaho bilang employee. Pero I suggest that you have at least two or more income source. Makatutulong din ito para ma-increase ang savings at magkaroon ng insurance once na mawala ang trabaho bilang employee. Marami din ways to increase your income. For example kung gusto mo ng selling or magaling ka makipag socialize, pwede ka sa Network Marketing. Kung may passion ka naman sa kahit anong bagay, pwede mo gawin ang passion mo to convert into income. Pwede mo rin i-try ang internet marketing na pwede ka kumita ng commission sa mga products na ibebenta mo. May dalawang klase ng income.
    • Active Income - Ito ay ang income na natatanggap natin based on salary sa employment. Ito ang income na putuloy na dumadating sa atin kapalit ng service o bagay na naibenta natin.
    • Passive Income - Ito ang income na nanggaling sa mga business na na-build na natin at tuloy-tuloy ang pagpasok ng kita nito kahit wala na tayong ginagawa sa business. In short, this is the automated money machine.

    Ito ang 6 ways to achieve financial freedom. Sa mga ways na nabasa mo dito, kailangan mo ng massive action para ma-achieve ito.

    Hangang sa susunod na blog post. I hope this post serves you. Kung na inspire ka sa post na ito, please do share my post. Thank you.

    PS: Gusto mo ba ma-acheive ang time freedom while you're making money online? Watch the video here. Make sure na tatapusin mo ha.


    Your friend,

    Jun Borgoños

    No comments:

    Post a Comment